Linggo, Pebrero 10, 2013

5

napatahimik sa loob ng taxi

kinain ko na ang sinabi ko noong una. na hindi ako mangigibang bansa para lang magtrabaho. mula sa probinsiya, lumuwas, heto nasa loob ng taxi papauwi sa bahay galing interview para makapagtrabaho sa bansang qatar.

hindi ko talaga gusto ito, pero tinatago ko ang rason na ito. tama, napagiiwanan na ako. hinangad ko rin na umasenso. walang tigil ako sa pagaapply ng trabaho. kulang na kulang pa rin ang sinasahod buwan-buwan. ngunit iniisip ko pa rin kung paano ako magkakaroon ng kapalaluan para sa sarili ko. sapagkat ako'y nasa ibaba pa rin.

hindi ko rin nakikita na mahihirapan ako. maganda ang pamamamalakad ng kompanyang papasukin ko. aang importante lang ay gawin ko ang trabaho ko ng maayos.

magagawa ko na ulit ang mga gusto kong gawin. makakakain ko na ulit ang mga gusto kong kainin. mapupuntahan ko na yung mga lugar na gusto kong puntahan. bibilhin ko ang hindi nila mabili. mababawi ko na ang lahat na nawala.

kailangang magipon, kailangan kong ipakita sa kanila na kaya ko. kailangan maipagmayabang din ako. kailangang mapansin nila ang aking pagkawala.

masimulan ko lamang ito, hindi ko na ito bibitawan

ngunit kailangang ako lamang ang nakakaalam nito.

ako lamang. wala nang iba...




ang mga umaandar sa aking isip habang nananahimik sa loob ng taxi

4

pahiram ng mukha

karaniwang linya kapag galit, kukunin ng nagsasalita sa asong walang kamalay-malay. maski din naman ang aso, malamang na ayaw magpahiram ng kanyang mukha.

sino nga naman ang may gusto na hiramin ang kanyang mukha?

talamak ito sa cyberworld. sa kapangyarihan ng SAVE, SAVE PICTURE AS, DOWNLOAD O PRINT SCREEN. mahihiram mo na ang mukha nila at magagawa mo na ang gusto mong gawin para binabalak mong masama.

show. for a load, sex eye ball, sex on cam (pero hindi ipapakita ang mukha). papaganahin mo lang ang imahinasyon. makakapasok ka na sa makamundong ginagalawan ng iba.

karamihan puro babae ang nabibiktima. may mga lalaki din naman. kawawa ka kung may itsura ka. pagpipiyestahan ka ng mga kahalayan na nananaig sa bawat taong nagkikimkim nito.

masakit mang isipin na marami na ang ganito. pero ito ang naturalesa natin.

Biyernes, Pebrero 8, 2013

3

bakit ka nga naman iiyak?

kung ang totoo nga naman, wala naman talaga silang pakialam kung iiyak ka. baiglang magbabago ang emosyon, hihikbi-hikbi, at pipigilan.

totoo, isa itong paraan para mailabas mo ang nararamdaman mo. galit ang nagpapatahan sa iyo kasi isa itong kaartehan. hindi kung ano mang bagay. hindi kung sino. bata lang ang pinapatahan ng nanay, tatay, ate, o kuya. ibang usapan na ito kung ibang tao na o kasintahan mo

naranasan ko nang matuyuan ng luha. na kahit namatayan ako minsan lang ako iiyak. tapos yun, wala na. para ka nang tanga. parang hindi ka na tao. kasi hindi ka na nakakaramdam ng sakit. parang kagaya mo na sila. silang nakahimlay na at mananahimik na magpakailan man.

papano kung hindi umiiyak ang tao? matatawag pa bang isang nilalang ang tao kung hindi ito umiiyak?

malalaman mo ba kung kanino ka kakapit? gung gaano kalupit ang mundo? iisipin mo ba kung kanino ka maniniwala? kung sino ang masasandalan? maniniwala ka rin ba sa salitang pagasa? maiintindihan mo pa ba ang hindi mo maintindihan? hindi mo na rin ba mararanasan ang pagdurusa? hindi ka na magkakaroon ng pananampalataya?

sana lang, kagaya sa mga palabas, ang luha ay nakapagpapagaling. ng kahit anong klaseng sakit. pero hindi, lumalabas ito dahil sa tugon ng napapagod na katawan, emosyonal na pinsala, o ang kinabuwi-buwisitang isang kaartehan. wala itong pinipili. isa itong lasong nakakaimpeksiyon sa karamihan

bakit ka nga naman iiyak? bakit ka may nararamdaman? bakit ka nasasaktan o nalulunkot?

bakit mo nasabing tao ka at umiiyak?


isang misteryo na hahanapin mo parin ang walang takdang katotohanan.

2

ang mga baguhang ito, mga kaawa-awang nilalang. imbes na matuto at makinig, ginagamit ang pagkaagressibo para lang ipaglaban ang sariling prinsipyo at paniniwala. paano kung sa kanilang ginagawa hindi nila nakikita ang mali?

maraming nagsasabing hindi na ako dapat makialam. ngunit gusto ko silang tulungan. para maibalik ko ang dating dangal. ang mayoryang tinitingala. ang kontrobersyang hindi kumukupas. mga isyung dapat ayusin. bakit hindi nila iyon ginamit laban sa kanila, hindi laban sa akin?

gusto din ng mga kasama kong bumalik, sapagkat parehas kami ng iniisip.

ngunit nawala ako sa aking sarili. sinabi ko nga pala noong una na tapos na kami sa aming pakikibaka para sa pagbabago. naiintindihan ko sila sa mga bagay na hindi naman talaga nila dapat gawin. naiintindihan ko rin na gusto nilang maisaayos ang lahat. ngunit sinabi ko sa kanila na ito ang kanilang siglo. ngunit sinabi nilang ito nga ang kanilang siglo, ang siglo ng kakulangan at kamangmangan at sila'y tutungo pakikipaglaban.

natatalo sila.. patuloy parin silang natatalo.

matatalo sila. dahil sa estado nila.

ang tupa na inaalagan ng leon. pinapakain ng sariwang damo. pinapainom ng malakristal na tubig. pagkatapos, kung ito'y malusog na malusog na, saka papaslangin.

ngunit

ang rosas na nakatanim sa payat na lupa, binigyan ng kaunting pataba, at umaasa lamang sa tubig ulan para mapawi ang uhaw ay mananatiling nakatayo. sapagkat kung ito man ay hahawakan ng mga mananamantala, o kainin ng leon, magmamarka ang sugat sa kanilang mga kalamnan. matatamasa nila ang sakit at hapdi ng kanilang kapabayaan at kalapastanganan.

hindi na ako makikialam. sapagkat sila na ang nakatayo doon.

mapapagod ka rin sa pagsusulat kung walang saysay ang iyong pinagsasasabi. mapapagod ka sa kasisisgaw kung hindi ka rin naman mapapakinggan at walang laman ng iyong mga salita. hahapdi at mapapaluha ang iyong mga mata kung ikaw lamang ang nakakakita at wala man lang gumagalaw para sa iyong inaasam. kung walang pagbabago.

nagsulat akong may saysay ang aking sinasabi, may nagbasa. nagsalita akong may laman, may nakinig, nagisip, at naunawaan. ang dami-dami kong nakikita, kahit na labag sa aking kalooban, ako mismo ang kumilos. may sumunod. kung laging may bago.

ngunit ngayon? kahit nagmisistulang alamat nalang ang aking ginawa, maraming hindi makakakita. pero maraming makakaalala.

Huwebes, Pebrero 7, 2013

1

ito na ang simula. ang bagong simula ng nakalipas. bagong pahina, sapagkat nawawala na ang luma.

kailangan ko nang sumulong sa lahat ng bagay. ayoko nang bumalik kung saan ako nagsimula. kasi ito na ang pagbangon. ito na ang pagbabago.

hinihintay nalang ang passport..

matagal na akong naghihintay. pero hindi ko kailangang magmadali

marami na ang magiging bawal, kaya ginagawa ko na ito ngayon bago pa mahuli ang lahat.

kadramahan. pero magsisilbing isang alaala kapag lumisan. pilit iisipin, biglang dadating, muling babasahin. maiiyak at malulunkot. tama, kadramahan nga.

sa mga oras na ito. nararamdaman ko na ang buhay. kung gaano pinagkait sa akin ang karangyaang gustong matamasa. pero may paniniwalang mababawi ko lahat ang nawala, ang mga ninakaw, ang mga hindi nila noon maibigay, at mga hindi naranasan.

"lakad pasulong!" ang laging sigaw ng isip. ang bugso ng damdamin.

focus! focus! stick to the plan god damn it! hindi ka nandito para sa mga yan! nauubos na ang pera mo, lakarin mo na mga papeles mo, tarantado ka ba?

dikta ng kung sino mang poncio pilato. minsan ayaw ko makinig sa kanya, pero kailangan kong makinig sa kanya. kasi ito daw ang tuwid, kasi ito daw ang tama, kasi nasa ibaba ka, kasi hindi ka perpekto, kasi hindi ka katulad niya, kasi wala ka, kasi hindi ka umiiral. ginagawa ko lahat ang aking makakaya, pero hindi pa daw ito sapat.

pero ang totoo, ano nga ba ang totoo?

nadapa ako, pero ang hindi ko pagbangon at paggapang paharap ay isang matinding kasalanan. walang lakas para bumangon, lumalapit sa isang tungkod na
magiging simula ng aking pagbangon at pag-angat

uulitin ko, ano nga ba ang totoo?

nabubuhay nga ba talaga ako? kailangan ko bang gawin lahat ng ito? ito ba talaga ang daan? tama ba lahat? may kasama ba ako? may pinanghahawakan? may ipinagyayabang?


ito na nga ba ang simula? o walang hangganang wakas?