Linggo, Hulyo 12, 2015

14

Dang

wala akong hinangad kundi ang kaligayahan mo. napakarami kong pagkukulang na hindi ko talaga alam kung mababayaran o mapapalitan ko ito. masaya ako dahil nakilala kita

sa mga panahong nagiging mahina ako, akala ko magiging malakas ka. ikaw yan eh. mahina. sana nandiyan ako para tulungan ka. pero wala akong mapagbalingan.

hindi ko gustong mawala ka.. nagsinungaling ako. kung ito rin ang iyong hiling tatanggapin ko to. para lang sumaya ka ulit.

kung hindi ko na magagawa yung mga ipinangako ko, sana kung sino man yung darating magawa niya para hindi ka manghinayang. hindi kagaya ng mga nangyayari sayo tungkol sa akin, puro panghihinayang

kung hindi ko na magawang pasiyahin ka, sana kung sino man yung darating araw-araw ka niyang pasiyahin. uulitin ko, iyon lang ang hinihiling ko sa buhay.

kung hindi ko na magawang iparamdam sa iyo na nandito lang ako, sana kung sino man yung darating makita mo siya araw-araw. mapunan ang pisikal at emosyonal na pananatili.

sana huwag mong iisipin na hindi kita minahal. mahal na mahal kita. alam kong alam mo kung bakit ko ginagawa ito. oo tama ka, natuto akong huwag umikot ang mundo sa taong minamahal ko. dahil sa isang pagkakamali lang maari akong bumagsak. nangyari na sa akin yan. ayaw ko nang maulit lalo na nasa pinakamataas na ako.

hindi ka pa rin mawawala sa puso ko. kung huli na ang lahat para sa akin, magiging masaya ako para sa iyo. ibibigay ko ang kalayaang karapat-dapat sa iyo.

Sabado, Hulyo 11, 2015

13

may pagpipilian ka ba?

tinanong ako ng isang kasama namin kung bakit ako nandito sa upuan ng mga pagalawang pinuno. iyan ang sinagot ko

wala ang pinakaamo kong muslim. nagbakasyon sa panahon ng ramadan. magaling. medyo maluwag ang lugar. hindi mainit para magtrabaho.

sa loob ng isang linggo gusto kong umiyak. alam mo ba yung pakiramdam ng isang musmos na ipinatapon sa isang masukal na gubat na punong-puno ng mababangis na hayop? na wala kang alam sa pakikipaglaban? na ang dala dala mo lamang ay isang punyal?

nagalit ako sa mga amo ko, maski sa mga pinoy na kasama ko. hindi ko alam kung bakit ako pinaupo doon. at hanggang ngayon nakaupo parin ako dito. isang linggong katangahan, kagaguhan, kamangmangan, at puro kamalian ang naganap. naaawa na ako sa sarili ko. gusto ko nang sumuko

ngunit lumabas ang musmos sa gubat matapos ang isang linggo. bumalik siya sa kanyang koponan. lahat sila'y nakatingin sa kanya. hindi mo mawari kung naaawa o natutuwa sila sa mga sugat, galos , hiwa at pasa na natamo. galit ang mukha ngunit nangingilid sa luha ang kanyang mga mata.

manhid na ang kaluluwa sa mga emosyon, nakakapagod...

kung ano man ang mangyayari ngayon..

tatanggapin ko. sawang sawang sawang sawang sawang sawa na ako sa trabaho ko.