Linggo, Agosto 2, 2015

16

Kospleyer


Buhok na  parang cotton candy, makulay at kumikinang ang kasuotan. napintahan ang mukha ng kakaiba, maski ang kilos at kaanyuan ay iba.

May pinaggayahan.

makulay ang buhay ng isang cosplayer. liberal ang mga  taong gumagawa nito. madalas mo silang makikita kapag may Convention na tinatawag. marami silang maiisip na susuutin. walang lebel sa yaman, katayuan, edad, kompleksiyon at iba pa.

masaya ang buhay ng cosplayer. nakikita niyang nakatingin sa kanya ang mga tao sa paligid kahit hindi siya nakatingin. nakangiti ang mga tao dahil sa kanya kahit di siya nakangiti. nababaliw ang mga fans na parang gusto nilang pagyayayakapin at paghahalikan.

matatapos ang isang araw. balik sa kanya-kanyang buhay. ngunit ang titulo ay dala-dala hanggang sa muling pagkikita kita. ngiti ang isinusukli sa pangungutya ng pagiging isip-bata.

sa kabila ng lahat, tao lang din silang maiihalintulad sa isang nagtatanghal sa entablado. binubuhay ang mga  walang buhay, likhang-isip, at mga iniidolo.

ordinaryo lang din sila.

kumakain tatlong beses isang araw, naliligo, tatutulog, napapagod at naagtratrabaho

may pinaggayahan, pero walang pagbabago

 

15


sinimulan ang bawat talata mula sa paghinga ng malalim
mga katagang aasashan mong matatalim
mga pangarap at pangakong parang ulap na makulimlim
lulubog ang pagkatao sa oras ng takip-silim

namulat sa mundo bilang anak-dalita
makikitaan ng mga dungis ang katawang sariwa
makinis na talampakan itinatapak sa lupa
 yakap ang manikang nagiisa na lamang ang mata

punit ang damit na hindi nalalabhan
suot-suot ng magdamagan
kaselanan ay nahahanginan
sa kalsada'y naglalakad at  pinapabayaan

mga mata ay nanghuhusga't naaawa
sasabihin ang mga tao sa paligid ay walang nagagawa.
kamusmusan mo'y sagisag ng pagiging malaya
pitak sa pisngi, nagpapakita ng ng pagdurusa

Linggo, Hulyo 12, 2015

14

Dang

wala akong hinangad kundi ang kaligayahan mo. napakarami kong pagkukulang na hindi ko talaga alam kung mababayaran o mapapalitan ko ito. masaya ako dahil nakilala kita

sa mga panahong nagiging mahina ako, akala ko magiging malakas ka. ikaw yan eh. mahina. sana nandiyan ako para tulungan ka. pero wala akong mapagbalingan.

hindi ko gustong mawala ka.. nagsinungaling ako. kung ito rin ang iyong hiling tatanggapin ko to. para lang sumaya ka ulit.

kung hindi ko na magagawa yung mga ipinangako ko, sana kung sino man yung darating magawa niya para hindi ka manghinayang. hindi kagaya ng mga nangyayari sayo tungkol sa akin, puro panghihinayang

kung hindi ko na magawang pasiyahin ka, sana kung sino man yung darating araw-araw ka niyang pasiyahin. uulitin ko, iyon lang ang hinihiling ko sa buhay.

kung hindi ko na magawang iparamdam sa iyo na nandito lang ako, sana kung sino man yung darating makita mo siya araw-araw. mapunan ang pisikal at emosyonal na pananatili.

sana huwag mong iisipin na hindi kita minahal. mahal na mahal kita. alam kong alam mo kung bakit ko ginagawa ito. oo tama ka, natuto akong huwag umikot ang mundo sa taong minamahal ko. dahil sa isang pagkakamali lang maari akong bumagsak. nangyari na sa akin yan. ayaw ko nang maulit lalo na nasa pinakamataas na ako.

hindi ka pa rin mawawala sa puso ko. kung huli na ang lahat para sa akin, magiging masaya ako para sa iyo. ibibigay ko ang kalayaang karapat-dapat sa iyo.

Sabado, Hulyo 11, 2015

13

may pagpipilian ka ba?

tinanong ako ng isang kasama namin kung bakit ako nandito sa upuan ng mga pagalawang pinuno. iyan ang sinagot ko

wala ang pinakaamo kong muslim. nagbakasyon sa panahon ng ramadan. magaling. medyo maluwag ang lugar. hindi mainit para magtrabaho.

sa loob ng isang linggo gusto kong umiyak. alam mo ba yung pakiramdam ng isang musmos na ipinatapon sa isang masukal na gubat na punong-puno ng mababangis na hayop? na wala kang alam sa pakikipaglaban? na ang dala dala mo lamang ay isang punyal?

nagalit ako sa mga amo ko, maski sa mga pinoy na kasama ko. hindi ko alam kung bakit ako pinaupo doon. at hanggang ngayon nakaupo parin ako dito. isang linggong katangahan, kagaguhan, kamangmangan, at puro kamalian ang naganap. naaawa na ako sa sarili ko. gusto ko nang sumuko

ngunit lumabas ang musmos sa gubat matapos ang isang linggo. bumalik siya sa kanyang koponan. lahat sila'y nakatingin sa kanya. hindi mo mawari kung naaawa o natutuwa sila sa mga sugat, galos , hiwa at pasa na natamo. galit ang mukha ngunit nangingilid sa luha ang kanyang mga mata.

manhid na ang kaluluwa sa mga emosyon, nakakapagod...

kung ano man ang mangyayari ngayon..

tatanggapin ko. sawang sawang sawang sawang sawang sawa na ako sa trabaho ko.

Biyernes, Abril 3, 2015

12


ginusto ko nanamang magsulat ulit

pero ano naman ang isusulat ko?

.
.
.

isa akong mandirigma, na hawak ang kapangyarihang ipinagkaloob sa akin ng maykapal. walang nakakakita nito kundi ako lang.

gamit ko ito sa araw araw. sa mga panahong ako'y nanghihina ito lang ang tangan ko. lalo na wala akong kasama na nakikipaglaban. tanging ako lang.

hindi rin naman araw araw lagi akong panalo. iba ang pagkakapanalo sa pagkaligtas. sugat at lamat sa balat ang makapagtatago nito. kasi hindi mo malalaman kung nanggaling ito sa pagkatagumpay o pagkabigo.

araw-araw may sakit. araw -araw may ginhawa. araw-araw may luha. araw-araw may ngiti.

wala akong inspirasyon, kasi walang may gusto. wala akong dahilan kasi walang tumatanggap. akala ko malalakas din sila, pero sa bandang huli binabawian din sila ng buhay at ako'y maiiwan.

nauubos na ang oras ko sabi nila. mas mahihirapan na ako kapag nakitaan na ako ng putik buhok sa aking ulo. sa loob loob ko, ipapaubaya ko nalang ito sa Diyos. Kung ano ang kanyang loob, iyon ang masusunod

Linggo, Pebrero 8, 2015

11

Sa epekto ng kape at biskuwit.

Wala ako sa lamay ng kung sino mang yumao. Panggabi ako sa trabaho. Talamak sa Facebook ang usaping JS Prom.

Nagtimetravel ako. Umatras ang oras ko labintatlong taon na ang nakakaraan.

"Madilim, at tanging liwanag lamang ay galing sa ilaw na dumadaan sa sahig. Naaaninag ko ang kanyang mukha sa ginintuang seda na kanyang suot. Ang kanyang matang kulay pilak na nangniningning. Ang mayuming ngiti na nagpalutang sa akin habang sabay kaming umiindak. Ibinababa niya ang braso mula sa pagkakalapat sa aking balikat. Inilapit niya ang kanyang pisngi sa akin. Nagsalubong ang kanyang mga kamay sa aking likuran.  Damang-dama ko ang biglaan niyang pagyakap sa akin. Napapikit ako at humiling na sana'y wala na itong hangganan."

Amoy ko pa rin yung spraynet niya sa buhok. Naalala ko kung gano ito kagaspang sa aking pisngi. Alam ko parin kung gaano ito kahigpit. Alam ko pa rin yung kanta. Alam ko pa rin kung papaano nagsimula at natapos..


Para sa mga liham na hindi ko maitapon-tapon. Para sa natabunang alaala na nabubulok na. Para sa kahapong ayaw na balikan.