Lunes, Disyembre 9, 2013

8

bumili ako ng gitara.

pinapangarap ko na ito noong nagtratrabaho pa ako sa call center. ito ang ginagamit ng mga idolo kong malilikot ang mga daliri sa pagtipa. mahal din nila ang musika kagaya ko. kaya ako sumali ng banda.

naalala ko pa noon ang pakiramdam kapag nasa entablado ka na. sayo na ang mundo. lahat ng tao nakatingin sa iyo. kalma ang kaluluwa. isang palabas.

pero hindi gitara ang hawak ko noong mga oras na iyon.

perkasyonista. an ang tawag sa akin sa grupo. bongos, tambourines, chimes and karaniwang gamit ko pag tumutugtog. sa totoo lang napansin kong ako lang ang natatanging perkasyonista na regular na nagtatanghal sapagkat hindi ako nakakakita ng kagaya ko sa ibang banda. kakaiba. yan ang laging sinasabi ng mga manonood.

tumigil ako sa pagbabanda, aaminin kong wala akong kinikita sa ginagawa kong ito. kaya mas pinili ko nalang na magtrabaho at mangibang bansa. pero, hindi maalis sa akin ang kagustuhan kong tumugtog ulit. kaya nagtiyatiyaga ako sa pakikinig, paghahanap ng bagong kanta, at patipa-tipa sa gitara

"hindi kami tugtog-pera" yan ang narinig ko sa isa sa mga hinahangaan kong gitarista sa lugar namin. isang mapagpakumbabang linya na ginamit ko kaya hindi ako tumigil sa kakatugtog noon. tama nga namang magkakaroon ka ng pagkakuntento kung minahal mo ang musika. kahit pagkain at inumin lang ang bayad. maibahagi mo lang sa iba ang ligaya na nararamdaman mo kapag tumutugtog ka. sabihan ka man ng iba na hindi ka magaling. pero ang taong nagsabi nito, ayun. regular nang tumutugtog sa isang bar. hindi ko alam kung may "bayad" siya o wala.

teknolohiya, yan ang isa sa mga kaibigan ng mga nagsisimula't hindi sikat na musikerong katulad ko. iopen mo lang ang bidyo ng selpon mo, kumanta ka, tumugtog ka ng instrumento o minus wan, may tyansa ka nang maging sikat. pero may mga tao din na gusto nilang ibahagi sa iba na "marunong" sila. kagaya ko.

kung ano ang instrumentong hawak ko, isang kayamanan na hindi nakukuha, talentong napapausbong at naisusulong.

Huwebes, Disyembre 5, 2013

7

walong taon na ang nakakalipas simula nang tumuntong ako sa bansang ito. na hindi mo mawari kung ano nga bang bansa ang napuntahan ko.

mga di naligo, amoy paa, amoy kubeta, maitim ang paligid ng mga mata. tawag nila'y Itik.

hindi ko parin makuha kung bakit nila binansagan ang mga ito. malamang sa paraan ng kanilang pananalita. mga akala mo alam nilang lahat ng kanilang ginagawa. taas-noo nilang pinapalandakan ang kanilang posisyon.

pero wala naman kaming pinagkaiba sa kanila, dayuhan kami sa bansang ito.

sa trabaho ko, kailangan din namin sila. sila ang mga taong magaling magpalusot para lamang mapagtakpan ang mga sariling pagkakamali. para hindi magkaroon ng problema at maiayos nila ng mabuti ang trabaho. kaya siguro sila nagustuhan ng mga puti.

tindero, mekaniko, drayber, tubero, katulong, o kung ano pa mang trabaho ang maisip mo. maski pagiging amo o tagapamahala ng isang kompanya. minsan di ko na nga alam kung nasa India ba ako o Qatar.

walong buwan, nagkalagpas sa mga utak ipis na tinamaan ng magaling.