Linggo, Disyembre 31, 2017

18

Bagong Taon...

10:17

Pili nalang ang mga tao sa buhay ko. Sa oras na sinusulat ko ito wala na akong iniisip kundi ang aking anak.

Gusto ko nang umalis sa trabaho ko dito sa Qatar. Hindi ko pa rin alam kung saan ako magsisimula kahit alam kong marami akong pwedeng pagsimulan. Kailangan ko lang siguro i-set ng maayos ang mga bagay na kailangan ko nang gawin. Marami pa ring gagawin.

Tahimik talaga simula nang hindi na ako active sa isa kong account sa Facebook. Nasa work ako ngayon

Sabado, Setyembre 9, 2017

17

Dalawang taon na ang nakalipas,

Hindi naman sa wala akong maisulat sa blog na to. Old school na daw eh. Nauuso na yung Vlogs. Yung Video Blogs.  Sarap sana gumawa. Kaso alam mo yun? Ano naman content ko?

Naisip ko, kung gagawa ako ng Vlogs, kailangan ko iconsider yung mga sinasabi ng mga Vloggers na napanood ko sa Youtube. Oo kailangan balanse daw yung oras mo. I work, I study. Iniisip ko pwede ko siyang gawin during my off. Pwede.

Ok lang siguro, kahit hindi katarantaduhan yung content. Basta may manood lang..

Balik tayo sa totoong rason kung bakit tayo nandito ulit..

Wala na akong ganang magsulat. Ang dami nang nangyari. Sana matapos ko na pagaaral ko para makauwi na ako. Hindi na magandang nakakulong na ako kahit na malaki ang sinasahod ko. Nakakamatay. Suicide talaga ang pagalis ng bansa. Unti-unting kinukuha ni Lord yung buhay mo. Nakakadepress....

There is the depression, malignant na. Parang may bukol sa loob ng katawan mo.