naayos ko na lahat ng mga papeles ko para makaalis.
masama ang loob ko sapagkat sa loob ng dalawampu't limang taon na nabubuhay ako, nararamdaman kong wala paring tiwala ang mga tao sa paligid ko
buti na lang inisip ko agad na wala akong pakialam sa mga sasabihin at paniniwala nila. kahit na mga kamag-anak ko pa sila. o kapatid, o magulang
gusto at kailangan kong gawin lahat ng gusto at kailangan kong gawin. kung lalaki man ang ulo ko dahil sa sobrang pagmamayabang, hindi ko yun ipapakita sa iba o sa kahit kanino. papakitaan ko silang lahat na kaya ko.
kung hindi rrin magiging madali sa akin ang mga unang araw, hindi ako magpaparamdam sa lahat ng nandito sa pilipinas o kahit sa mga kamaganak ko sa ibang bansa
putangina nilang lahat. kumain silang lahat ng burak at tae. papakitaan ko sila na kaya ko, kagaya ng dati. maibabalik ko na ang sarili ko. isasampal ko sa kanila ang mga kayamanang maiipon ko doon..
makikita nilang lahat ang pagbangon ko
makikita nilang lahat ang bagong ako
at ang tatuan na katawang pinapangarap ko..